My apology to the readers. Medyo napatagal bago ko nasundan ang last article. Nawalan ng time kasi kelangan mag-aral ulit para sa job hunting. Thanks God nagbigay sya muli ng time. Kaya andito muli para ituloy ang aking mga karanasan. :)
Same question asked nung ako yung nasa ganang sitwasyon. Maguwian kaya ako, kasi ang mahal na ng babayaran ko sa review center dagdag gastos lang kung magdodorm plus mahal din ang cost of living sa Manila. Pero try to look the other side, tanungin mo sarili mo, paano kung magdorm ako? There are advantages na nakita ko kasi nagdorm ako. Bagamat may kamahalan ang bayad sa dorm, iwas ang pagod sa biyahe dahil malapit lang dorm. Madali rin ang pagkonsulta sa mentors kapag may mga topic na hindi ko agad naintindihan. at syempre ang Ereview at virtual sessions hindi maipapagpaliban. Kung hindi mu talaga kaya, or di kaya ng family niyo wag mu pilitin. There are other alternatives, maaari ka bumalik sa mga college professors pati sa school library na siguradong available ang books na hindi natin kayang bilhin ng basta basta dahil sa presyo nito.
Pero kung nais mo magdorm, una mu isasaalang alang ang security. Para sa mga hindi nakakaalam at para malaman mo din, bumabaha po sa Sampaloc. Tama iniisip, wala pasok pag may baha. Kahit review center hindi exempted sa baha. Isaalang-alang mu din ang kalapitan nito sa review center, yung tipong kayang lakarin. nagdorm ka na rin lang bakit lalayo ka pa at magiging gastos mu pa ang pamasahe diba? at isa pa, alalahanin mo na review ka for ilang months, para kahit papano exercise mo na rin ang paglalakad. Kagaya ng sabi ko sa mga naunang articles, dapat handa din physically, kaya kailangan ng exercise.
Here is my experience. Naging mahirap ang paghahanap namin ng dorm, kadalasan kasi 2500 to 3500 per head ang presyo ng dormitory. Sa 2500 na bedspace, may mga room na pang dalwang tao o pang apat na tao pero walang aircon, electric fan. Sa iba kasama na rito ang tubig at kuryente may ilan din na hindi pa at depende sa konsumo ng bawat kwarto tapos paghahatihatian ng mga boarders ang bill tuwing katapusan ng buwan. Sa 3500 naman, ito naman yung kwarto na may aircon.
Nagpasya kami, ako at ang tatlo ko pang kaklase na magsasama sama, ang aking mga kumpare na si June, Hansel at Darwin. Dahil dapat din isaalang-alang ang siguridad ng aming mga gamit. Hindi naman sa hindi nagtitiwala sa mga bagong makikilala at makakasama, kailangan lang mag-ingat din. Advantage din dahil sa panahon ng matinding pangangailangan meron ka mahihiraman. :) To cut the story short, nakahanap kami ng tirahan na room for rent sa may Paquita St.. Kung nasa EspaƱa, ito ay nasa side kahilera ng UST. Hindi naman kaliitan at eksakto para sa aming apat. Mura noon ang aming renta, ito ay nagkakahalaga ng 6000 bukod pa ang kuryente at tubig. Lumalabas na maliit lang ang hatian namin sa renta kumpara sa mga nauna naming mga nakitang dormitory. Dagdag pa rito, ito lang din ang nakita namin na room for rent na may sariling kusina at pumapayag na maglagay ng lutuan. Magiging mas matipid din kasi sa pagkain kung magluluto at hati-hati sa gastos.
Para sa desidido magdorm, magtiyaga kayo maghanap. Kagaya namin, ilang araw din ang naging paghahanap pero nakapili kami ng lugar na kung saan makakapag-aral, makakapagpahinga at komportableng tirahan.
God Bless your way in getting your License,
Engr. Terrence Galang