Friday, February 3, 2012

Uwian ba? o Dormitory?

My apology to the readers. Medyo napatagal bago ko nasundan ang last article. Nawalan ng time kasi kelangan mag-aral ulit para sa job hunting. Thanks God nagbigay sya muli ng time. Kaya andito muli para ituloy ang aking mga karanasan. :)

Same question asked nung ako yung nasa ganang sitwasyon. Maguwian kaya ako, kasi ang mahal na ng babayaran ko sa review center dagdag gastos lang kung magdodorm plus mahal din ang cost of living sa Manila. Pero try to look the other side, tanungin mo sarili mo, paano kung magdorm ako? There are advantages na nakita ko kasi nagdorm ako. Bagamat may kamahalan ang bayad sa dorm, iwas ang pagod sa biyahe dahil malapit lang dorm. Madali rin ang pagkonsulta sa mentors kapag may mga topic na hindi ko agad naintindihan. at syempre ang Ereview at virtual sessions hindi maipapagpaliban. Kung hindi mu talaga kaya, or di kaya ng family niyo wag mu pilitin. There are other alternatives, maaari ka bumalik sa mga college professors pati sa school library na siguradong available ang books na hindi natin kayang bilhin ng basta basta dahil sa presyo nito.

Pero kung nais mo magdorm, una mu isasaalang alang ang security. Para sa mga hindi nakakaalam at para malaman mo din, bumabaha po sa Sampaloc. Tama iniisip, wala pasok pag may baha. Kahit review center hindi exempted sa baha. Isaalang-alang mu din ang kalapitan nito sa review center, yung tipong kayang lakarin. nagdorm ka na rin lang bakit lalayo ka pa at magiging gastos mu pa ang pamasahe diba? at isa pa, alalahanin mo na review ka for ilang months, para kahit papano exercise mo na rin ang paglalakad. Kagaya ng sabi ko sa mga naunang articles, dapat handa din physically, kaya kailangan ng exercise.

Here is my experience. Naging mahirap ang paghahanap namin ng dorm, kadalasan kasi 2500 to 3500 per head ang presyo ng dormitory. Sa 2500 na bedspace, may mga room na pang dalwang tao o pang apat na tao pero walang aircon, electric fan. Sa iba kasama na rito ang tubig at kuryente may ilan din na hindi pa at depende sa konsumo ng bawat kwarto tapos paghahatihatian ng mga boarders ang bill tuwing katapusan ng buwan. Sa 3500 naman, ito naman yung kwarto na may aircon.

Nagpasya kami, ako at ang tatlo ko pang kaklase na magsasama sama, ang aking mga kumpare na si June, Hansel at Darwin. Dahil dapat din isaalang-alang ang siguridad ng aming mga gamit. Hindi naman sa hindi nagtitiwala sa mga bagong makikilala at makakasama, kailangan lang mag-ingat din. Advantage din dahil sa panahon ng matinding pangangailangan meron ka mahihiraman. :) To cut the story short, nakahanap kami ng tirahan na room for rent sa may Paquita St.. Kung nasa España, ito ay nasa side kahilera ng UST. Hindi naman kaliitan at eksakto para sa aming apat. Mura noon ang aming renta, ito ay nagkakahalaga ng 6000 bukod pa ang kuryente at tubig. Lumalabas na maliit lang ang hatian namin sa renta kumpara sa mga nauna naming mga nakitang dormitory. Dagdag pa rito, ito lang din ang nakita namin na room for rent na may sariling kusina at pumapayag na maglagay ng lutuan. Magiging mas matipid din kasi sa pagkain kung magluluto at hati-hati sa gastos. 

Para sa desidido magdorm, magtiyaga kayo maghanap. Kagaya namin, ilang araw din ang naging paghahanap pero nakapili kami ng lugar na kung saan makakapag-aral, makakapagpahinga at komportableng tirahan.

God Bless your way in getting your License,

Engr. Terrence Galang


Thursday, December 22, 2011

Bakit License?

Nakapili ka na ba ng review center? Some of you says "Yes, Excited na ako magboard exam!" Some says, "Hindi pa ako decided kung magtatake ako." For some who says yes, I salute you. Maintain that attitude, magagamit mu yan hanggang sa huli. Think of this eto yung nasa isip ko noon kahit wala pa talaga akong idea sa  sinasabi kong board exam pero nanatiling malakas ang loob ko. Tinapos ko ang college sa kursong Electronics Engineering sa loob ng 5 taon, ano namang sapat na dahilan para hindi ko harapin ang pagrereview ng 6 months para sa board exam? 

Para sa iba na hindi pa decided, nababasa ko iniisip mo, "hindi naman kasi ako magaling, even top 10 of the graduating class hindi ako kasama." Huwag ka mag-alala, hindi ka nag-iisa. Ako din ay hindi kabilang sa top nung ako ay nakagraduate. Wala akong award, trophy lang (my daughter). LAKAS NG LOOB lang ang dala-dala ko. Alam ko meron ka nan. Alam mo yan.


Maaari mong sabihin, "bakit ko nga ba kelangan pa magkalisensya? Kung iba nga, diretso apply na sa trabaho natatanggap naman." At may maririnig ka pa, dito sa company namin hindi kelangan na lisensyado. I want you to ask yourself, bakit ka nga ba nagtake ng BS in Electronics Engineering?
pede naman deretso work. Choice mo naman kung kukuha k ng board exam or hindi. Para tumaas credentials mo. Nasa batas na kasi ung pagkuha ng licensure exam tapos may mga duties ung engineers na pang kanila lang, di pede sa mga hindi licensed. -Engr. Nuevo, EE
Tama iniisip mo, pwede naman talaga na diretso work. Bakit ka nga naman magpapakahirap pa kumuha ng lisensya? Again, bakit ka nagtake ng BS in Electronics Engineering?


Diba nga sabi ko sa previous article na pregnant ang girlfriend ko. Hindi ko maiwasan na pumasok sa isipan ko na magtrabaho nalang muna dahil malaki ang magiging gastusin. Magiging dagdag gastusin lang ang tuition ko sa pagrereview. Naisip ko din, Parepareho din naman kami ng magiging starting salary. At saka sayang sa panahon, sa halip na kumikita at nakakatulong na ako. Nagpaalam ako na magtatrabaho ako habang nagrereview. Pwede ko namang gawing Saturday at Sunday ang review tapos trabaho ng Monday to Friday. Pero hindi ako pinayagan, sinabi ng parents ko na magfocus nalang muna ako sa pagrereview. Maraming maraming salamat po sa inyo. Napakaswerte ko na kayo ang magulang ko. 


Maaari din namang pagsabayin, pero I suggest focus on reviewing. Madali na maghanap ng trabaho pagnagkalicense sapagkat napakadaming field ang maaaring puntahan ng isang Electronics Engineer. Bakit nga ba license muna bago trabaho? Napansin ko sa panahon ng aking pagrereview na may mga kasabay ako na reviewee na mas matanda pa sa akin. Yung may malaking age gap kaysa sakin ang tinutukoy ko. Nalaman ko ang reason during our orientation with Engr. Allado. Ito ay dahil sa pangangailangan nila sa company for promotion. Madalas na nauunahan sila ng mga mas mabata with the same course pero Licensed Electronics Engineer. Ayoko mangyari din sa inyo to. 


May mga tao naman na kinaya ang pagrereview habang nagtatrabaho, at ngayon licensed na sila. Pero, depende pa din sa schedule ng company at review center. May mga company na magtutugma sa scheduled, pero paano kung biglang nabago ang shifting? Nangyari ito sa ilan reviewee, at itinigil nila ang pagrereview. Ayoko din mangyari din sa inyo to. Again, focus muna sa REVIEW, do your best. 


God Bless your way in getting your License,

Engr. Terrence Galang

Friday, December 16, 2011

Review Centers :)


Nung time ko ng pagrereview dahil sa pinayagan ako magdual, nalaman ko agad yung purpose ko, dahil sa ako lang samin magkakadorm ang dual nung review period. Ang purpose ko ay ituro sa mga kasamahan ko sa bahay ang hindi ko natutunan sa kabila (Sorry po mga mentors kailangan ko sila turuan, dala namin pangalan ng school namin. hehe). Isa pa, hindi pa ko nakakapagestablish ng magandang study habit kaya maganda na rin talaga na nagdual ako, at least obliged ako pumasok, magandang simula yun para sa nagrereview. Advantage ng dual reviewee, pwede maulit ang hindi mu naintindihan sa una mung pagkakaencounter ng topic. Hindi din lahat naituturo sa ibang review center. Disadvantage naman, magastos, mahirap sa schedule kasi kelangan mo pasukan pareho pero time management solusyon dito, nadedevelop naman to. Bilang karagdagan, kahit dual review center, hindi ito nangangahulugan na sure ball. Nararapat na mas mag-effort ka pa at wag maging kampante.

Kagaya ng sinabi ko walang masama sa nagtatanong. Sabi nga "You create opportunities by asking them." If you have reasons like, "Baka wala kaming pera ang daming gastusin at hindi naman kasi kami mapera". Paano mo nasabi na di ka papayagan? Paano mo nasabi na wala kayong pera? Dahil ba nararamdaman mo lang? ASK! ASK! ASK them! If they say hindi nila kaya, be contented. God knows best! He has the right reason kung bakit hindi ka pinayagan at kung bakit ka papayagan. Pero inuulit ko, WALANG MASAMA SA NAGTATANONG. 

Sa pagpili ng review center, una natin iniisip ang budget (kahit sino naman siguro), tapos sunod pa yung kung maganda ang track record, topnotchers, mentors, review program, review materials at supplement. To give you an idea tungkol sa review center dalawa lang ang masusuggest ko, ito ang EXCEL at PERCDC. Bakit? Dahil produkto nila ako. I suggest to choose between the two or both kung kaya ng budget.

A.   EXCEL
Ang EXCEL Review Center ay matatagpuan sa CMFFI Bldg., R.Papa St., Sampaloc, Manila. Ito ay pag-aari ni Engr. Jaime Tiong Sr. Mayroon silang tatlong classrooms na nasa 3rd at 4th floor. Medyo nakakapagod dahil wala namang elevator, maganda din naman exercise to para sa mga reviewees. Malaki ang room 1 at 2, sa 4th floor, maaari itong maglaman ng 70-100 na reviewees. Ang Room 3 naman mas mababa lang ng kaunti ang capacity kumpara sa unang dalawang room. Bilang isang reviewee, kinakailangan na maaga ka lagi pumasok dahil mabilis mapuno ang upuan sa may bandang harapan. Hindi na kasi ganoon kaganda kapag sa likod nakapwesto. Medyo nakakaantok kasi hindi mu masyado maintindihan at mas nakakatukso makipagkwentuhan.

Ang EXCEL ay nagooffer ng EREVIEW sessions sa kanilang mga enrollees. Ang EREVIEW ay isang computer simulation na naglalaman ng mga tanong tungkol sa mga subjects natin mga ECE. Karamihan sa mga tanong ay nagmula sa mga published books. Masasabing malaking tulong ito para mga reviewees dahil dito malalaman kung hanggang saan na ba ang nalalaman ng isang mag-aaral sa isang partikular subject na pinag-aralan.

            Mapunta tayo sa review instructors at review program. Kagaya ng ibang review centers, ang review program ng EXCEL ay binubuo din ng review, refresher at coaching. Magagaling ang mga mentors dito, masasabing veterans sila sa larangan ng pagrereview. Thank you po sa tulong at pagtuturo niyo sa amin.

            Ang refresher course naman ay examination-discussion type ng pagtuturo. Ang mga exam ay nakapattern sa mga actual past board examinations. Ang bawat studyante ay binibigyan ng questionnaire at answer sheet upang sagutan sa itinakdang oras. Ang mga sagot at solution sa mga tanong ay idinidiscuss right after ng exam.

          Last phase ng preparation ay ang Coaching, dito nakafocus na ang students sa question and answers. Ginagawa ito sa last three weeks before the board exam.  

For more info and inquiries visit: 

A.   PERCDC

Ang PERCDC ay matatagpuan sa Gnd Fl. Isabel Bldg. España corner Cayco st. Sampaloc, Manila (Fronting UST). Ito ay pag-aari ni Engr. Ronnie Villamor. Ito ay mayroon dalawang classroom na mas maliit ng kaunti kumpara sa EXCEL. Fully airconditioned din ang classroom pati narin ang kanilang library. Maaari manghiram ng libro sa library kung sakaling kulang ka sa resources.

Ang PERCDC ay kilala dahil sa maganda nilang review program. During my time, napatunayan ko na maganda ang program dahil dito nakatapos ako ng pagbabasa ng libro. Sa simula, nakafocus ang review sa Math at Electronics. Kapag tapos na lahat ng topics, GEAS then EST. I’ll discuss more sa mga susunod about the review program. Tungkol naman sa mentors, mga bata pa at magagaling din ang mentors ng PERC.


Kagaya din ng ibang centers, nag-ooffer din ang PERC ng refresher at coaching program. Dagdag pa dito ay ang supplement nila na Virtual Reviewer, na isa ding uri ng computer simulation.

For more info and inquiries visit:


God Bless your way in getting your License,

Engr. Terrence Galang


Thursday, December 15, 2011

Choosing Your Review Center!

Choosing a review center is almost as important as picking out your college of choice. It’s the review center that helps you get over that last hurdle in your professional career – the Licensure Exam. Madami din ang review center ng ECE dito sa Pilipinas, kabilang dito ang EXCEL, PERCDC, EDGE, TOP, Powerful Review Center at iba pa. Ako ay enrollee ng PERCDC at EXCEL mula review hanggang sa refresher coaching. Good choice of review centers sabi ng iba, God led me in choosing sabi ko naman.

            May mga mentors ng bawat review center ang nagpunta sa aming kolehiyo upang imarket ang kanilang center. Lahat nagpakita nang kagalingan sa pagmamarket, napahanga ako ng lahat. Pero natanong ko sarili ko, kanino ako maniniwala samantalang ang lahat naman ay magaling. I suggest na magtanong kayo sa mga kakilala niyo na nakatapos na ng board exam, pass or failed magbibigay yan ng best advice.
You create your opportunities by asking for them by Patty Hansen 
            Nagtanong din ako sa previous batch namin, most of our passer and conditional passer ay nagreview sa EXCEL. I decided to enroll EXCEL, since may offer din sila na early bird promo, which gives 50% discount as part of their 20th Anniversary. Nang sumunod na linggo dumating ang PERCDC para magmarket naman ng kanilang review center. Napahanga ako sa words of wisdom ni Engr. Villamor. Sabi ko sayang nakapagdown na ko sa EXCEL, wala naman kami pera para magdual review center ako. Pero napakabait ng Diyos, bago pa man matapos ang pagmamarket nila may 50% discount din pala kapag officer. I went out of the room para tumawag sa parents ko. Sinabi ko kina mama at papa na may offer na discount para sa naging officer may pera pa po ba tayo kung wala po, okay lang din, okay naman po ang EXCEL? Sabi nila “Sige magenroll ka.” Hindi ko talaga ineexpect na papayagan ako, una kasi malaki kasalanan ko sa kanila. Yung girlfriend ko kasi 4 months pregnant, madami gastusin kaya mukhang malabo ako makapagenroll. Pero walang mawawala kung magtatanong. Don’t be afraid to ask. 

God Bless your way in getting your License,

Engr. Terrence Galang

Introduction

Isinulat ko ang blog ito upang sundan ang “Beautiful Book” na ginawa para sa mga magtatake ng ECE Board Exam. Kagaya ng author ng nasabing libro, ako rin ay alumni ng Colegio de San Juan de Letran – Calamba – Batch 2011. Ninanais ko na ang blog na ito ay magbigay sa inyo ng tulong sa pamamagitan ng pagbabahagi ko ng aking mga natutunan at karanasan sa panahon ng aking paghahanda at pagharap sa Board Exam.

Pagkatapos ko matanggap ang “Beautiful Book” agad ko itong binasa. Madami akong natutunan, at nasagot din nito ang aking mga katanungan. Pero hindi ako tumigil dito, dahil bawat tao ay may kanya kanyang karanasan. Passed or failed, may magandang advice na naibigay sa akin at nakatulong ng malaki sa aking preparasyon. Salamat sa pagbabahagi ninyo ng inyong karanasan.
Ang board exam ay hindi lang battle ng knowledge, ito ay kung gaano ka kahanda in all aspects physically, emotionally, mentally, and spiritually.   
-Engr. Ronnie Villamor

Napakarami din nang dapat isaalang – alang sa paghahanda para sa board exam. Sabi nga ni Engr. Villamor, PERCDC Review Director, not exact pero it goes this way, what’s the use of knowledge, kung takot ka naman harapin ang board, at kung may sakit ka naman. Tama naman diba? There are lot of things na dapat ihanda. Dapat physically, emotionally, mentally and spiritually ready tayo to face the board exam.

Sabi nila habang palapit nang palapit ang paghuhukom (board exam), mas lalong nagiging faithful ang mga examinees. Habang paubos ng paubos ang countdown, ganoon din dumadalas ang pagsisimba. Double purpose pala ang board exam, nagiging matiyaga sa paghahanda at mas napapalapit pa sa Diyos. Sa totoo lang hindi lang double, madami pa ako natutunan sa panahon ng aking paghahanda hayaan niyo na ituloy ko ang aking kwento.

God Bless your way in getting your License,

Engr. Terrence Galang